Lunes, Enero 23, 2012

“Kasamaang Idinudulot sa Kalusugan ng Masamang Bisyo”

            Sa mundong ating ginagalawan ay maraming nakahiligang Gawain ang mga tao. Ngunit hindi maiiwasan na sa mga kinahihiligan ng tao ay napupunta sa masamang bisyo. Ang ilan pa ngang gumagawa nuon ay tumutuntong pa lang sa hayskul ay nakahiligan na ang mga bisyo. Sabihin na natin na natural lang ang pag-inom at paninigarilyo, atbp. Alam naman natin kung sosobra na ay hindi na ito nakakabuti sa katawan, kung ano ang sobra siyang nakakasama. Sa ating pagkaka alam na ang kalusugan ay mahalaga. May kasabihan nga na “Health is wealth”. Nangangahulugan ito na ang kalusugan ay kayaman kung kayat dapat itong pangalagaan. Mahalagang sundin natin ang mga bagay na makakabuti sa ating kalusugan.
           

              Sa ngayon, marami na ang laganap na sakit at ilan nga ditto ay nakukuha sa pag inom at paninigarilyo, sa pagpapatuloy mo sa paggawa ng mga iyan ay parang sinusubukan mo ang hangganan ng iyong katawan. Karamihan sa mga apektado nito ay ang mga kabataan, kung baga pabata nang pabata ang mga nalululong sa masamang bisyo. Maraming bisyo nito ang nag-iiwan ng di magandang epekto sa katawan tulad ng pag-inom ng alak na nakakasira sa kidney na kung saan unti-unting sinisira ang loob nito. Sa paninigarilyo nakakasira naman sa baga. Maraming sakit ang nakukuha sa mga bisyo, di lang pisikal na mismong katawan ang apektado kundi pati mental o psychological. Halimbawa nalang nito ay pag-nom o pagtulak ng druga. Kahit pa siguro operahin ang baga at kidney mo ay walang kasiguruhan na mawawala ito. Kahit pa operahan ka ng ilang magagaling na doctor ay di pa rin ang lubos mong pag galing, dahil hanggat hindi ka hihinto sa bisyo mo ito pa rin ay walang katiyakan. Kung patuloy kasing gumawa ng ganitong bagay ang kemikal na dala nito ay unti-unting kumakalat sa katawan ng tao. Halimbawa ay ubo na sabihin na natin dahil sa paninigarilyo o usok na nanggagaling sa iba ay paglumala ay papunta na sa TB at atbp. Kahit pa siguro paminsan-minsan lang ito ginagawa pero ang ka-unting na-idudulot nito ay malaki, sapagkat napahiran na ng mga kemikal ang iyong katawan.
           

          Sa kabuuan, ay makikita natin na di maganda ang na-idudulot ng masamang bisyong kinahihiligan ng tao. At marami na ring naglalabasan sa pahayagan, telebisyon na mga sakit na maaari mong makuha, maaaring di lang sa mga bisyo kundi pati na rin sa mga ibang bagay. Diyan lang ba sila titigil pag may namatay na? Gusto mo bang sundan ang mga taong nakakaranas ng sakit na gaya ng iyong nakikita o naririnig, kung ayaw mong mangyari iyon ay dapat ihinto na ito ng mas maaga. Iwanan mo ang pagka hilig sa masamang bisyo. Sundin kung ano ang siyang nakakabuti. Maaari mong umpisahan na subukin mong kumain ng gulay at prutas, o di kaya’y gamut na maaaring makapag pigil sa paglala ng sakit. At kung hindi mo kaya ay may mga makatutulong sa iyo upang matunton mo ang tamang landas na kung saan maari kang magbago. May mga rehabilitasyon center na silang gagabay sa iyo. Kung kaya’t maaga pa lang ay pahirin mo na ang luhang dadaloy sa mga mata ng mga minamahal mong ma-iiwan.

Gamit ng "KUNG", "KONG", "MAY" at "MAYROON"

“Kung”
1.       Aasenso tayo sa  buhay kung tayo ay magsisikap at magsisipag.
2.       Kung aalis ka dalhin mo na rin ang mga gamit mo.
3.       Mababawasan ang karahasan sa bansa kung mananaig ang pag-ibig sa ating puso.
4.       Malulutas mo ang  iyong mga suliranin kung mananalig ka sa panginoon.
5.       Papasa kung mag-aaral ka nang  mabuti.


“Kong”
1.       Naisip kong magpatayo ng sariling bahay
2.       Napatunayan kong hindi madali ang buhay.
3.       Madalas kong gawin ang pagbabasa ng libro.
4.       Gusto kong maging inhinyero.
5.       Isa sa matalik kong kaibigan si John Mark.


“May”
1.       Habang may buhay may pag-asa.
2.       May oras ng laro at may oras ng trabaho.
3.       May napulot akong pitaka sa daanan.
4.       May kumakatok sa silid.
5.       Siya ay may matamis na ngiti.


“Mayroon”
1.       Mayroon ba akong pag-asa?
2.       Mayroon na ba kayong mga proyektong gagawin sa ating barangay.
3.       Mayroon ba tayong pasok?
4.       Si  Alvin ay mayroon ding magagandang katangian.
5.       Ang ibang tao ay nagpapanggap na mayroon sila.

Miyerkules, Enero 18, 2012

"Nang"

 Pangatnig
  1. Ang mga Pasahero ay bumaba nang dahan-dahan.
  2. Nagsisimula na ang programa nang dumating ang mga panauhin.
  3. Nang uwian ako ay pumunta sa library.
  4. Ako ay natumba nang magkagirian.
  5. Namatay si Mang Isko nang mahulog.
 Inuulit
  1. Parami nang Parami
  2. Pataas nang Pataas
  3. Kain nang Kain
  4. Nagdassal nang Nagdasal
  5. Mag-ipon nang Mag-ipon
Pandiwang Panuring
  1. Naghanda nang masarap na hapunan ang nanay ko.(Pang-uri)
  2. Nag-aral nang maaga si Marjorie sa darating na pagsusulit.(Pang-abay)
  3. Ako ay uminom nang Ascof Forte para sa ubo.(Pangngalan )
  4. Si Mickey ay naglakad nang dalawang oras pauwi sa kanilang bahay.(Pang-abay)
  5. Ikaw ay nagwawalis nang tayo'y magkita.(Panghalip)

Sabado, Disyembre 10, 2011

Pag-ibig



            Maraming kahulugan ang Pag-ibig ,may kaniyang-kaniyang interpretasyon o dikaya'ydepenisyon ang tao sa pag-ibig .Maaring ilang bagay na nagbibigay konting ligaya maaring bagay o sa mga kinalilibangan. Maari na isang masidhing damdamin ng patingin nag kahulugan nito,isang emosyon. Madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal.Iyan lamang ay ilan sa kahulugan ng pag-ibig.

            Sa pag-ibig may layunin din ito sa mundong ating ginagalawan ng tao.Ito ay upang makapagbigay ng kapayapaan  at pagkakaunawaan .Alam naman natin sa mundopng ating ginagalawan ay puno ng karahasan, pag-aaway,at kung anu-ano paman,samadaling salita makasalan na ang nangingibabaw sa atin.Ngunit kung may pag-ibig o pag-ibig ang nangingibabaw hindi mangyayari ang ganitong bagay , hindi ka makakapanakit sa kapwa mo.Dahil dyan hindi malalayong mangyari ang na magkaroon ng kapayapaan., at dahil din sa pag-ibig ay nagkakaroon ng pagkakaunawan , sapagkat  nauunawaan natin ang bawat opinyon o maging sa kanilang nararanasan ,pinapalawak ang ating isip upang itoy maintindihan at iyan ay dahil sa may respeto tayo.

          Ang kahalagahan ng pag-ibig ito ay susi upang magkakaroon ng pagkakaisa,kayapaan,at kalayaan .Kung walang pag-ibig ,ang mga tao ay hindi makakaramdam ng emosyon.Tayo'y nasasaktan at nalulungkot ng dahil ssanatual nasa atin iyon ta dahil sa aspetong emosyon na kung saan na nakakadama tayo ng ibat-ibang damdamin  at isa na riyan ang pinkaimportanteng elemento at iyon ay ang pag-ibig .Gayon paman , ang pag-ibig ang siyang nagbibigay ng pag-asa na meron tayo upang lumaban sa lahat ng mga problema na ating nararanasan   ,iyan din ang dahilan kung bakit ang mga tao ay nagsisikap ng mabuti na gawin ang lahat ng kanilang makakaya kahit ano pa man ang mangyari . Ang Pag-ibig din ay mahalaga dahil ito ang nakapagbibigay sagot  sa ating mga problema na maresolba ang mga ito .At ang panghuli ang , ang pag-ibig pinag ulan ng atig kaligtasan .
            
                
           Mayroong mga paraan  upang malaman natin kung ito'y pag-ibig.Ilan sa mga ito ang mga sumusunod :nagbibigay ito ng ibang kagalakan  sa inyong sarili . Hindi maipaliwanag  na damdamin ang nangingibabaw , kung saan sa simula palang  ng iyong araw ay lagi mo na itong iniisip , gumawa ka ng bagay na makakapagligaya sa iyo man o sa iba .Hindi ka humihingi sa iba ng na mag-sakripisyo sa kanila para lang mapatunayan ang kanyang pag-ibig . kahit  na maganda man o hindi ay  naakit ka pa rin .  nagpapatunay lang na ang iyong pangako sa taong iyon walang takda at nariyan ang respeto , paghanga ,at pagtitiwala sa taong iyon.
          

             Tayong mga tao ay may tinatawag na emosyon , na kung saan tayo nakakadama ng  ibat-ibang klaseng emosyon at natural sa isang tao na makada ng pag-ibig . Nagbi bigay kulay ito sa baat  buhay natin .Hindi  lamang pighati , kalungkutan  o daikaya'y kasiyahan  at iba ang ating  nadarama   . Myroon din na hindi natin namamalayan na ating nadarama ay pag-ibig na pala . Kaya may pag ibig sapagkat ang Poong Maykapal ang siyang nagpapatunay  kung bakit may pag-ibig . Ang Dakilang Panginoon ang siyang una-unang nagbigay kahulugan ng pag-ibig . iyon ay ang pag-aalay niya ng kanyang sarili upang tayo'y makaligtas , dahil
    sa mahal niya tayo.
          

         Ang panghuli ang pag-ibig ay mas madarama mo kung may inaalayan ka ng iyong pag-ibig .May pinagaalayan ka ng iying pag-ibig. Maari pag-ibig sa pamilya  , sa isang relasyon ng magkabiyak , sa kaibigan  at sa Poong Maykapal .Sa pamilya ,kung may pag-ibig magiging bukas ang bawat miyembro ng pamilya  sa kanilang mga problema . Walang alinlangan sapagkat alam nila na ang  mas mahalaga  ang may sumusuporta at gumagabay  sa kanila . Ito rin ang nagpapatibay sa samahan ng bawat isa .Sa isang relasyon kung may pag-ibig  hindi mo na tinitignan ang kung ano man nasa panlabas na anyo kundi sa panloob nito . at nagpapatibay din ito na relasyon kahit ano pa man ang  mga pinagdaan ninyo . Sa kaibigan , handa mong tanggapin ang lahat na kung ano ang kanyang kamalian , ano siya at kung mahal mo siya ay hindi mo sa babaguhin  sa kung ano ang wala sa kanya . Ang panghuli ang pag-ibig na iaalay natin sa Poong maykapal ,alam naman natin wala tayo rito kung hindi dahil sa kanya . At bilang isang tao ang maiibabalik  lang natin sa kanyang pagsakripisyo  ay ang gumawa ng mabuti sa kapwa , at pag-ibig lamang ang dapat nating pairalin .Ang Poong Maykapal  sa kanya nanggagaling ang tunay na pag-ibig , kung may pananampalatay lang tayo sa kanya .Ang buhay natin ay magiging maganda at matiwasay.