Lunes, Enero 23, 2012

“Kasamaang Idinudulot sa Kalusugan ng Masamang Bisyo”

            Sa mundong ating ginagalawan ay maraming nakahiligang Gawain ang mga tao. Ngunit hindi maiiwasan na sa mga kinahihiligan ng tao ay napupunta sa masamang bisyo. Ang ilan pa ngang gumagawa nuon ay tumutuntong pa lang sa hayskul ay nakahiligan na ang mga bisyo. Sabihin na natin na natural lang ang pag-inom at paninigarilyo, atbp. Alam naman natin kung sosobra na ay hindi na ito nakakabuti sa katawan, kung ano ang sobra siyang nakakasama. Sa ating pagkaka alam na ang kalusugan ay mahalaga. May kasabihan nga na “Health is wealth”. Nangangahulugan ito na ang kalusugan ay kayaman kung kayat dapat itong pangalagaan. Mahalagang sundin natin ang mga bagay na makakabuti sa ating kalusugan.
           

              Sa ngayon, marami na ang laganap na sakit at ilan nga ditto ay nakukuha sa pag inom at paninigarilyo, sa pagpapatuloy mo sa paggawa ng mga iyan ay parang sinusubukan mo ang hangganan ng iyong katawan. Karamihan sa mga apektado nito ay ang mga kabataan, kung baga pabata nang pabata ang mga nalululong sa masamang bisyo. Maraming bisyo nito ang nag-iiwan ng di magandang epekto sa katawan tulad ng pag-inom ng alak na nakakasira sa kidney na kung saan unti-unting sinisira ang loob nito. Sa paninigarilyo nakakasira naman sa baga. Maraming sakit ang nakukuha sa mga bisyo, di lang pisikal na mismong katawan ang apektado kundi pati mental o psychological. Halimbawa nalang nito ay pag-nom o pagtulak ng druga. Kahit pa siguro operahin ang baga at kidney mo ay walang kasiguruhan na mawawala ito. Kahit pa operahan ka ng ilang magagaling na doctor ay di pa rin ang lubos mong pag galing, dahil hanggat hindi ka hihinto sa bisyo mo ito pa rin ay walang katiyakan. Kung patuloy kasing gumawa ng ganitong bagay ang kemikal na dala nito ay unti-unting kumakalat sa katawan ng tao. Halimbawa ay ubo na sabihin na natin dahil sa paninigarilyo o usok na nanggagaling sa iba ay paglumala ay papunta na sa TB at atbp. Kahit pa siguro paminsan-minsan lang ito ginagawa pero ang ka-unting na-idudulot nito ay malaki, sapagkat napahiran na ng mga kemikal ang iyong katawan.
           

          Sa kabuuan, ay makikita natin na di maganda ang na-idudulot ng masamang bisyong kinahihiligan ng tao. At marami na ring naglalabasan sa pahayagan, telebisyon na mga sakit na maaari mong makuha, maaaring di lang sa mga bisyo kundi pati na rin sa mga ibang bagay. Diyan lang ba sila titigil pag may namatay na? Gusto mo bang sundan ang mga taong nakakaranas ng sakit na gaya ng iyong nakikita o naririnig, kung ayaw mong mangyari iyon ay dapat ihinto na ito ng mas maaga. Iwanan mo ang pagka hilig sa masamang bisyo. Sundin kung ano ang siyang nakakabuti. Maaari mong umpisahan na subukin mong kumain ng gulay at prutas, o di kaya’y gamut na maaaring makapag pigil sa paglala ng sakit. At kung hindi mo kaya ay may mga makatutulong sa iyo upang matunton mo ang tamang landas na kung saan maari kang magbago. May mga rehabilitasyon center na silang gagabay sa iyo. Kung kaya’t maaga pa lang ay pahirin mo na ang luhang dadaloy sa mga mata ng mga minamahal mong ma-iiwan.

1 komento: