Maraming kahulugan ang Pag-ibig ,may kaniyang-kaniyang interpretasyon o dikaya'ydepenisyon ang tao sa pag-ibig .Maaring ilang bagay na nagbibigay konting ligaya maaring bagay o sa mga kinalilibangan. Maari na isang masidhing damdamin ng patingin nag kahulugan nito,isang emosyon. Madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal.Iyan lamang ay ilan sa kahulugan ng pag-ibig.
Sa pag-ibig may layunin din ito sa mundong ating ginagalawan ng tao.Ito ay upang makapagbigay ng kapayapaan at pagkakaunawaan .Alam naman natin sa mundopng ating ginagalawan ay puno ng karahasan, pag-aaway,at kung anu-ano paman,samadaling salita makasalan na ang nangingibabaw sa atin.Ngunit kung may pag-ibig o pag-ibig ang nangingibabaw hindi mangyayari ang ganitong bagay , hindi ka makakapanakit sa kapwa mo.Dahil dyan hindi malalayong mangyari ang na magkaroon ng kapayapaan., at dahil din sa pag-ibig ay nagkakaroon ng pagkakaunawan , sapagkat nauunawaan natin ang bawat opinyon o maging sa kanilang nararanasan ,pinapalawak ang ating isip upang itoy maintindihan at iyan ay dahil sa may respeto tayo.
Ang kahalagahan ng pag-ibig ito ay susi upang magkakaroon ng pagkakaisa,kayapaan,at kalayaan .Kung walang pag-ibig ,ang mga tao ay hindi makakaramdam ng emosyon.Tayo'y nasasaktan at nalulungkot ng dahil ssanatual nasa atin iyon ta dahil sa aspetong emosyon na kung saan na nakakadama tayo ng ibat-ibang damdamin at isa na riyan ang pinkaimportanteng elemento at iyon ay ang pag-ibig .Gayon paman , ang pag-ibig ang siyang nagbibigay ng pag-asa na meron tayo upang lumaban sa lahat ng mga problema na ating nararanasan ,iyan din ang dahilan kung bakit ang mga tao ay nagsisikap ng mabuti na gawin ang lahat ng kanilang makakaya kahit ano pa man ang mangyari . Ang Pag-ibig din ay mahalaga dahil ito ang nakapagbibigay sagot sa ating mga problema na maresolba ang mga ito .At ang panghuli ang , ang pag-ibig pinag ulan ng atig kaligtasan .
Mayroong mga paraan upang malaman natin kung ito'y pag-ibig.Ilan sa mga ito ang mga sumusunod :nagbibigay ito ng ibang kagalakan sa inyong sarili . Hindi maipaliwanag na damdamin ang nangingibabaw , kung saan sa simula palang ng iyong araw ay lagi mo na itong iniisip , gumawa ka ng bagay na makakapagligaya sa iyo man o sa iba .Hindi ka humihingi sa iba ng na mag-sakripisyo sa kanila para lang mapatunayan ang kanyang pag-ibig . kahit na maganda man o hindi ay naakit ka pa rin . nagpapatunay lang na ang iyong pangako sa taong iyon walang takda at nariyan ang respeto , paghanga ,at pagtitiwala sa taong iyon.
Tayong mga tao ay may tinatawag na emosyon , na kung saan tayo nakakadama ng ibat-ibang klaseng emosyon at natural sa isang tao na makada ng pag-ibig . Nagbi bigay kulay ito sa baat buhay natin .Hindi lamang pighati , kalungkutan o daikaya'y kasiyahan at iba ang ating nadarama . Myroon din na hindi natin namamalayan na ating nadarama ay pag-ibig na pala . Kaya may pag ibig sapagkat ang Poong Maykapal ang siyang nagpapatunay kung bakit may pag-ibig . Ang Dakilang Panginoon ang siyang una-unang nagbigay kahulugan ng pag-ibig . iyon ay ang pag-aalay niya ng kanyang sarili upang tayo'y makaligtas , dahil
sa mahal niya tayo.
Ang panghuli ang pag-ibig ay mas madarama mo kung may inaalayan ka ng iyong pag-ibig .May pinagaalayan ka ng iying pag-ibig. Maari pag-ibig sa pamilya , sa isang relasyon ng magkabiyak , sa kaibigan at sa Poong Maykapal .Sa pamilya ,kung may pag-ibig magiging bukas ang bawat miyembro ng pamilya sa kanilang mga problema . Walang alinlangan sapagkat alam nila na ang mas mahalaga ang may sumusuporta at gumagabay sa kanila . Ito rin ang nagpapatibay sa samahan ng bawat isa .Sa isang relasyon kung may pag-ibig hindi mo na tinitignan ang kung ano man nasa panlabas na anyo kundi sa panloob nito . at nagpapatibay din ito na relasyon kahit ano pa man ang mga pinagdaan ninyo . Sa kaibigan , handa mong tanggapin ang lahat na kung ano ang kanyang kamalian , ano siya at kung mahal mo siya ay hindi mo sa babaguhin sa kung ano ang wala sa kanya . Ang panghuli ang pag-ibig na iaalay natin sa Poong maykapal ,alam naman natin wala tayo rito kung hindi dahil sa kanya . At bilang isang tao ang maiibabalik lang natin sa kanyang pagsakripisyo ay ang gumawa ng mabuti sa kapwa , at pag-ibig lamang ang dapat nating pairalin .Ang Poong Maykapal sa kanya nanggagaling ang tunay na pag-ibig , kung may pananampalatay lang tayo sa kanya .Ang buhay natin ay magiging maganda at matiwasay.
dapat sinusunod mo kung ano ang hinihingi sa semantik maping...sana inilagay mo ano ang Pag-ibog? Bakiy may Pag-ibig? Sino nga ba ang Pag-ibig? at iba pa...
TumugonBurahin