Sabado, Disyembre 10, 2011

Pag-ibig



            Maraming kahulugan ang Pag-ibig ,may kaniyang-kaniyang interpretasyon o dikaya'ydepenisyon ang tao sa pag-ibig .Maaring ilang bagay na nagbibigay konting ligaya maaring bagay o sa mga kinalilibangan. Maari na isang masidhing damdamin ng patingin nag kahulugan nito,isang emosyon. Madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal.Iyan lamang ay ilan sa kahulugan ng pag-ibig.

            Sa pag-ibig may layunin din ito sa mundong ating ginagalawan ng tao.Ito ay upang makapagbigay ng kapayapaan  at pagkakaunawaan .Alam naman natin sa mundopng ating ginagalawan ay puno ng karahasan, pag-aaway,at kung anu-ano paman,samadaling salita makasalan na ang nangingibabaw sa atin.Ngunit kung may pag-ibig o pag-ibig ang nangingibabaw hindi mangyayari ang ganitong bagay , hindi ka makakapanakit sa kapwa mo.Dahil dyan hindi malalayong mangyari ang na magkaroon ng kapayapaan., at dahil din sa pag-ibig ay nagkakaroon ng pagkakaunawan , sapagkat  nauunawaan natin ang bawat opinyon o maging sa kanilang nararanasan ,pinapalawak ang ating isip upang itoy maintindihan at iyan ay dahil sa may respeto tayo.

          Ang kahalagahan ng pag-ibig ito ay susi upang magkakaroon ng pagkakaisa,kayapaan,at kalayaan .Kung walang pag-ibig ,ang mga tao ay hindi makakaramdam ng emosyon.Tayo'y nasasaktan at nalulungkot ng dahil ssanatual nasa atin iyon ta dahil sa aspetong emosyon na kung saan na nakakadama tayo ng ibat-ibang damdamin  at isa na riyan ang pinkaimportanteng elemento at iyon ay ang pag-ibig .Gayon paman , ang pag-ibig ang siyang nagbibigay ng pag-asa na meron tayo upang lumaban sa lahat ng mga problema na ating nararanasan   ,iyan din ang dahilan kung bakit ang mga tao ay nagsisikap ng mabuti na gawin ang lahat ng kanilang makakaya kahit ano pa man ang mangyari . Ang Pag-ibig din ay mahalaga dahil ito ang nakapagbibigay sagot  sa ating mga problema na maresolba ang mga ito .At ang panghuli ang , ang pag-ibig pinag ulan ng atig kaligtasan .
            
                
           Mayroong mga paraan  upang malaman natin kung ito'y pag-ibig.Ilan sa mga ito ang mga sumusunod :nagbibigay ito ng ibang kagalakan  sa inyong sarili . Hindi maipaliwanag  na damdamin ang nangingibabaw , kung saan sa simula palang  ng iyong araw ay lagi mo na itong iniisip , gumawa ka ng bagay na makakapagligaya sa iyo man o sa iba .Hindi ka humihingi sa iba ng na mag-sakripisyo sa kanila para lang mapatunayan ang kanyang pag-ibig . kahit  na maganda man o hindi ay  naakit ka pa rin .  nagpapatunay lang na ang iyong pangako sa taong iyon walang takda at nariyan ang respeto , paghanga ,at pagtitiwala sa taong iyon.
          

             Tayong mga tao ay may tinatawag na emosyon , na kung saan tayo nakakadama ng  ibat-ibang klaseng emosyon at natural sa isang tao na makada ng pag-ibig . Nagbi bigay kulay ito sa baat  buhay natin .Hindi  lamang pighati , kalungkutan  o daikaya'y kasiyahan  at iba ang ating  nadarama   . Myroon din na hindi natin namamalayan na ating nadarama ay pag-ibig na pala . Kaya may pag ibig sapagkat ang Poong Maykapal ang siyang nagpapatunay  kung bakit may pag-ibig . Ang Dakilang Panginoon ang siyang una-unang nagbigay kahulugan ng pag-ibig . iyon ay ang pag-aalay niya ng kanyang sarili upang tayo'y makaligtas , dahil
    sa mahal niya tayo.
          

         Ang panghuli ang pag-ibig ay mas madarama mo kung may inaalayan ka ng iyong pag-ibig .May pinagaalayan ka ng iying pag-ibig. Maari pag-ibig sa pamilya  , sa isang relasyon ng magkabiyak , sa kaibigan  at sa Poong Maykapal .Sa pamilya ,kung may pag-ibig magiging bukas ang bawat miyembro ng pamilya  sa kanilang mga problema . Walang alinlangan sapagkat alam nila na ang  mas mahalaga  ang may sumusuporta at gumagabay  sa kanila . Ito rin ang nagpapatibay sa samahan ng bawat isa .Sa isang relasyon kung may pag-ibig  hindi mo na tinitignan ang kung ano man nasa panlabas na anyo kundi sa panloob nito . at nagpapatibay din ito na relasyon kahit ano pa man ang  mga pinagdaan ninyo . Sa kaibigan , handa mong tanggapin ang lahat na kung ano ang kanyang kamalian , ano siya at kung mahal mo siya ay hindi mo sa babaguhin  sa kung ano ang wala sa kanya . Ang panghuli ang pag-ibig na iaalay natin sa Poong maykapal ,alam naman natin wala tayo rito kung hindi dahil sa kanya . At bilang isang tao ang maiibabalik  lang natin sa kanyang pagsakripisyo  ay ang gumawa ng mabuti sa kapwa , at pag-ibig lamang ang dapat nating pairalin .Ang Poong Maykapal  sa kanya nanggagaling ang tunay na pag-ibig , kung may pananampalatay lang tayo sa kanya .Ang buhay natin ay magiging maganda at matiwasay.